Friday, December 02, 2005

High School Life


Nainspire akong gumawa ng fiction story about high school love story. And this is some part of it.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko ini-expect na isasayaw ako ni Chad ng gabing iyon, sweet pa naman ang music. Ang totoo para akong nasa cloud 9, feeling ko ang gaan gaan ko habang pumapagitna kami sa karamihan ng sumasayaw. Siguro nakatingin sa amin ang karamihan, iniisip siguro ng mga girls BF ko na si Chad. Kasi nga naman this past few months lagi kaming magkasama, hindi dahil sa nililigawan nya ako no... dahil yon sa group naming sa school kung saan President sya at Secretary ako kaya siguro naging close kami.

Habang hawak nya kamay ko papunta kami sa gitna, nag ka tinginan kami ni Annie habang kasayaw nya ang kanyang BF, ngumit siya ng parang ngiting nanalo..

“Go girl, kaya mo yan “ bulong nya sa akin pagdaan ko. Alam siguro niya na kinakabahan ako at the same time eh kinilikig.

Nasa gitna na kami at magkaharap, then kinuha nya dahan dahan ang dalawa kong kamay at inilagay sa balikat nya, dahil mejo mag kaheight nman kami kaya halos magkalevel lang din ang mata namin.

“Pasensya ka na , wala kc akong GF kaya ikaw muna isasayaw ko, o wag mo akong sasampalin dito nakakahiya” sabi nya, nakita nya kasi sa mata ko ang pagtataka dahil bigla ba naman niya akong hinila ng dahan dahan sa gitna ng dance floor.

“Grabe ka naman Chad, nakakahiya, saka parehong kaliwa paa ko?”

“Sweet naman ang music eh, saka sabayan mo lang ang galaw ko para hindi mo ako maapakan. Mag pretend na lang tayo na GF na kita para ma enjoy natin ang JS prom, last year na natin sa school na ito kaya enjoy na natin no!”  

Enjoy ka jan, isip isip ko, hindi kaya tina take advantage niya ang pagiging close namin pero honestly gusto ko rin naman na kasayaw siya, at tama siya hindi nga naman kompleto ang high school life mo kung wala kang participation sa JS Prom Dance Night.

“Mukamo talaga Chad pag ako hindi naligawan pagkatapos ng JS, lagot ka sa akin, matatapos ang taon na to na wala akong BF “ biro ko na lang sa kanya

“Sabi ko naman sayo mag pretend na lang tayo… tumahimik k na lang jan.” magsasalita pa sana ako kaya lang naramdaman kong magkalapit na halos ang aming mga mukha, dahil sa worry  na magkapalit kami ng mukha, binaling ko na lang ang tingin ko sa iba, pero mas lalo lang akong na conscious dahil ang ibang  nagsasayaw sa amin din nakatingin, hayy.. no choice tiningnan ko na lang ang colar ng damit na suot ni Chad habang sumasayaw kami.

Maya-maya dinikit ni Chad ang pisngi nya bandang taas ng tenga ko, ramdam ko ang pag buntong hininga nya hindi ko alam ang ibig sabihin non, pero may binulong sya.

“Thank you Emily, naging memorable sa akin ang JS Prom natin”

Taka ako, diba dapat babae ang mag sasabi non. Hay ano ba yan. Sige na nga ienjoy na natin total mahigit isang buwan na lang naman ilalagi natin sa ating mahal na alma mater, at siguradong kanya kanya na tayong maghahanap ng college na papasukan natin at for sure makakalimutan din ako ni Chad dahil mas maraming kolehiyala siyang makikilala na for sure mas maganda at elegante o kaya sosyal kaysa sa akin na mukhang nene na itutusang bumili ng suka sa tindahan.  

Ok fine, total wala naman akong BF at pabor sa akin maging BF si Chad kahit kunwari lang. Inisa isa ko ang katangian ni Chad ano ba ang pwedeng makita ng isang babae kay Chad para mainlove dito: may kagwapuhan naman, mejo matangkad, at infairness matalino naman pala siguro dahil galing sa private school before nag transfer dito sa school naming, at isa sa mga pwede kong magustuhan sa kanya is hindi sya mahangin yong tipong harmless na approachable, at isa pa mukhang hindi naman mabisyo, unlike yong ibang boys dito mukhang 1st year pa lang eh marunong nang humithit ng sigarilyo.

Hmmmmm, pwede na nga syang maging BF material, sige na nga payag na ako na  maging BF siya. Habang iniisip ko ang tungkol kay Chad napansin kong patapos napala ang music at biglang napalitan ng pang disco na  tugtugin. Mejo natigilan kami pareho, hmm saying sarap pa naming kasayaw si Chad.

“Gusto mong sumayaw ulit” tanong nya.

“Hindi na, baka magkaapakan lang , dami nila oh…” sabay turo sa mga papalapit na estudyante mostly 3rd year na gustong sumayaw ng hip hop.

Tumabi kami at dahil marami ang sumasayaw ngayon sa dance floor marami nang bakanteng upuan  sa gilid. So doon kami pumuwesto malapit sa hagdanan papaakyat sa 2nd Flr.

“Sandali ha,may kukunin lang ako?” paalam nya, tumango lang ako at sinundan siya tingin. Maya maya lumapit si Remelyn na kinikilig.

“Hoy sis, mukhang mag-on na kayo ni Chad ha, ikaw ha sini secret nyo pa ha… ” biro  nya.

“Hay naku sis, pwede ba wag mo na akong asarin,” sabi ko na lang ,”wala ka bang pamaypay jan, pinapawisan na ako eh”

“Wala eh, wag mo ngang iligaw ang usapan, kayo ha sweet nyo kanina ha, kaya pala close kayo ni Chad this past few months, yun pala there something cooking between you two ha!!! Kinikilig ako sis natutuwa rin ako na sayo sya napunta hindi sa mga sosyalerang taga section 1”  

“Pwede ba Remelyn ang boses mo mamaya marinig ka ng mga yun, ayokong makipag away ano!”  

“Don’t worry sis anjan naman ang knight and shining armour mo im sure ipagtatanggol ka non pag may umaway sayo”

“Tumahimik ka na anjan na si Chad, “  saway ko kay Remelyn, napansin ko kasing paaplapit na siya.

“Speaking of the angel” sabay tayo ni Remelyn akmang papaalis na rin.

“Hi Rem,” bati ni Chad may dala itong 2 bote ng mineral water at isang pamaypay. Inabot sa akin ang isang bote ng mineral  at kay Remelyn ang isang bote”

“Hindi na paalis na rin naman ako, binati ko lang naman itong kaibigan ko for having a guy like you,” muntik ko ng ibuga ang iniinom kung tubig sa impaktita kong friend”

“Don’t worry Rem, aalagaan ko ito” sinakyan naman ni Chad ang biro ni Rem.

“O sige maiwan ko na kayo puntahan ko lang kasama ko don,” sabay kindat ng lukaret talagang nang aasar. Pinandilatan ko nga.

Naupo na rin si Chad sa tabi ko, akma ko sanang kukunin ang pamaypay nyang dala.

“Ako na,”

“Thank you,” sabay inom ko ng tubig. Mejo na conscious lalo ako nang tapos ko nang inumin ng tubig eh nakatitig pa siya sa akin.

“Bakit?” tanong ko. Ngumiti lang siya at hinawakan ang kanang kamay ko sabay binitawan ang pamaypay na hawak.

“I like you Emily, alam mo ba yun?” walang ka gatol gatol sa sabi nya.

Eto na, magtatapat na ba siya sa akin.  “Ngayon alam ko na” pasimple kong sagot gusto ko sanang dugtungan ng -  bakit ano bang nakita mo sa akin .

“Pwede ko bang malaman kung you also feel the same?” naks naman nag English na sya…. Hay Chad kong alam mo lang crush talaga kita, pero tama lang naman na ganun ang tanong mo kc kung love kaagad ask mo ibang topic na yon.

“Alam mo Chad, youre not a bad person naman, saka gusto ko attitude mo,” mejo binitin ko muna ang sagot ko. Tiningnan ko muna sya mabuti kung ano magiging reaction nya.

“Yeah I also like you”, safe answer diba, hindi ko alam kong pareho kaming gumaan ang loob ng sabihin ko yon, pero na feel ko na parang nawala yong konteng gap siguro yong tinatawag na pagka ilang mejo nawala na.

“Ok, siguro start muna tayo from there, basta may MU na tayo ha?” sabay kiss sa kamay ko, mabilis lang naman yun hindi halata kung meron mang nakatingin.

HA!!! MU as in Mutual Understanding, hindi ba dapat BF na kita?  Gusto ko sanang itanong kaya lang baka isipin nya napaka demanding ko naman nag uumpisa pa lang kami eh.

“Ok”, sabi ko na lang.  

No comments:

Post a Comment