Friday, November 25, 2005

Shopping Incident at SM Manila - BEWARE


From:  *Lorimer Imperio <lorimer.imperio@gmail.com>*

Subject:  *BABALA SA MGA MAHILIG MAGSHOPPING SA SM MANILA SA HARAP NG MANILA CITY HALL...*
Date:  *Tue, 22 Nov 2005 18:16:53 -0800*

------------------------------
Hindi ko po kayo tinatakot. Hindi rin po ito isang kwento lang. Hindi po ito biro... Ito po ay totoong nangyari sa akin, sa anak ko, at sa asawa ko.

November 13, 2005 more or less 3:00pm to 4:00pm at sm manila. Nandon po ako, kasama ang pamilya ko sa sm department store. Dun po sa madaming laruan na tinitinda. Toys like bike for baby, staff toys, etc. I instructed the sales clerk to get their stock for the bike that i have chosen for my baby(1 year old baby). After that, tinesting namin ang bike and then binayaran ko sa counter.

Dito po nagsimula ang istorya ng aktong nagbabayad na ako sa counter. Isang medyo matandang babae ang lumapit sa akin, pinagbintangan nya po ako na dinukot ko daw ang pera nya na nagkakahalaga ng php 2,500.00(two thousand five hundred pesos). Ang sabi ko po, "mrs, wag ho kayong magbintang, di ko ho magagawa ang sinasabi nyo, may trabaho po ako, may pera ako, malinis ang pagkatao ko, at isa akong instructor".
Ayaw hong makinig nung babae sa pinapaliwanag ko... Dahilan upang lapitan kami ng security guard at iba pang clerks ng sm manila. Dahil po sa ayaw maniwala ng ale sa akin, at dahil po pinagbibintangan nya nga ako, nilabas ko po ang pera ko sa harapan nya. Nung araw na un po, may daladala akong pera, 11, 000.00 (eleven thousand pesos) na nakalagay po sa loob ng zipper ng sinturon ko. Nilabas ko po lahat at sinabi ko sa kanila na may pera ako, at hindi ko magagawa ang ibinibintang nyong pandurukot ng pera nyo na nagkakahalaga ng 2, 500.00. Lalo pong dumami ang tao.  Pinapunta po kami sa office ng manager ng sm ng security guard.

Ininterview nila ung nagrereklamo, kinuha nila ang side ko.  Pinapatunayan po ng 2 sales clerk ng sm na nag entertain sa amin na wala kaming kasalanan dahil sa simulat simula ng pagpunta namin sa loob ng department store ay siya na ang nag asikaso sa amin.

Sa paliwanag po ng ale na nagcocomplain, un daw pong pagkakatupi ng pera nya at ng pera ko ay iisa kaya lumakas daw po ang kutob nya na pera nya ung hawak kong pera.

Tinanong pa nga po niya ako sa harap ng manager kung magkano ang binayad ko.
Ang sabi ko po, 2000 (two thousand pesos po) kc po ang presyo ng bisekleta ng pambaby e more or less 1,700 (one thousand seven hundred pesos) including the battery. Ang sabi po ng ale, sige... Ilabas mo ang 500.00(five hundred
Pesos) kc 2,500 (two thousand five hundred pesos)lahat ang pera ko na tiglilimangdaang piso. Nilabas ko po ang isang libo (2 tig 500.00) sabay sabing siguro naman po e maniniwala na kayo na hindi ako ang taong nandukot sa inyo... Tatlong libo po kasi ang nasa bulsa ko, walong libo naman po ang nasa loob ng sinturon ko... Kung gusto nyo po e bilangin nyo pa. Pumunta lang po kami dito sa sm para ibili ng laruan ang baby namin. Ito pong perang dala dala ko e pampabinyag ng baby ko...

Ayaw pa rin pong maniwala ng ale. Pinaliwanag na din po ng manager ng sm na hindi porke ako ang huling nakita nung aleng nagrereklamo e ako na ang kumuha ng pera, ang dami dami kasing tao sa mall. Nagsalita na din po ang sales clerk na talagang sa simulat simula ng pagpunta namin sa sm e siya na ang kaharap namin at siya ang nag asikaso sa amin.  Subalit kahit ano pong paliwanag ang gawin specially ng mga tumitistigo na wala akong kasalanan e sarado ho ang tenga at ayaw makinig ng ale sa amin. Dahilan upang sabihin ng manager ng sm na kung hindi maaayos ang problema dito sa loob e dadalhin natin sa pulis.

Sumangayon po ako na dalhin nga sa pulis upang matapos na, tutal e mayron namang nagpapatunay na wala nga akong kasalanan. I requested the manager of sm manila to let the 2 sales clerk and security guard be with us at the police station. Habang umaalis po kami ng mall, e may tinawagan ung ale sa cellphone nya, at sa tono ng pananalita nya e pulis ang tinawagan nya na manggagaling pa sa camp crame.  Nagtiwala po ako sa mga pulis sa city hall ng manila kasi nga po may nagpapatunay naman na wala akong kasalanan.

Pagpasok po namin sa presinto, tinanong ng pulis kung ano ang kaso.
Pinaliwanag po nung ale. Tinanong po nung pulis kung ano ang pangalan ko, sinabi ko po. Ano daw trabaho ko, sabi ko po e instructor ng marinduque state college.

Lumabas po ung pulis, sinama ung 2 sales clerk at security guard at doon kinausap.

Pumasok po ulit ung pulis sa presinto, pinuntahan ung ale sa investigation section at sinabi po na "mrs, mahina po ang kaso, hindi po yan tatanggapin ng korte, wala po kayong ebidensiya na dinukutan kyo ng taong nirereklamo nyo."

E hindi po, sabi ng ale... Siya lang po ung taong nakita ko sa likod ko nung mawala ung pera ko....

"kaya nga po, nakita nyo po ba na dinukot nya ng actual ung pera nyo?"

"hindi po..."

"so, wala po kayong katibayan na dinukutan nga kayo. At isa pa, may nagpapatunay po na walang kasalanan ung tao..."


... "pero, kung gusto nyong magsampa ng reklamo, e sige, magpa imbistiga kayo... "

"kunin mo ang statement ng ale..." sabi nya dun sa isa pang pulis...


Bigla hong dumating ung pulis na tinawagan nung ale.

Tinawag po nya ako, ung security guard at ung 2 sales clerk upang kausapin sa labas.

Lumabas po ako, ng aktong lumalabas po ako e sinita ako nung isang pulis, "hoy! Saan ka pupunta?"

"tinawag ho ako nung pulis na kasama nung ale" sabi ko...

Ah, ok... Sabi ng pulis...


Nung nasa labas na po kami, hindi po ako nagsasalita, hinayaan ko po na ung mga testigo ang magsabi kung anong nangyari... Pagkatpos po non, kinausap ako nung pulis na kasama nung ale... Ang sabi nya "alam kong wala kang kasalanan, naiintindihan kita, ganito na lang, ipapaliwanag ko sa iyo ha..."
"nangyari na din kasi sa akin na naagawan ako ng kwintas noong araw, at hindi ko na nakita ung nang agaw."  "ang gusto kasing mangyari ng tita ko e bayaran mo ung perang nawawala, kahit kalahati lang ng 2,500 pesos at hindi na nya itutuloy ang kaso."

Napaiyak po ako, at sinabi ko sa kanya na ... "wala naman po akong kasalanan, at may nagpapatunay na nga po na wala akong kasalanan, sir naman, ang hirap hong kitain ng pera ngayon, ang hirap po ng buhay..."


"e, mahirap ka palang kausapin e... Sige, kausapin mo ang tita ko... Kung may pera lang ako e, ako na mismo ang magbabayad sa kanya, pag kasi sinabi nya, e sinabi nya talaga at talagang gagawin nya..."


Pumasok po ako ng presinto at kinausap ko naman ung pulis sa loob(bautista po ang name plate nya). Nagulat nga po ako ng sabihin nya na "ang maitutulong ko lang sa iyo e ganito, ilabas mo ang pera mo sa bulsa at magtira ka lang ng pamasahe nyo pauwi para matapos na ito"

Hindi ko na po napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong umiyak. Umiyak na din po ang mrs ko, pati na din po ang anak namin na isang taong gulang pa lang.

"sir, alam po ninyo na wala akong kasalanan...  May nagpapatunay na nga po di ba?"

"hindi ko sinasabi na may kasalanan ka, ganito ha... Isipin mo na lang pag natuloy ang kaso, magbabayad ka sa abogado, magbabayad ka sa ganito, ganyan, etc. At makukulong ka pa"

"bakit po ako makukulong e may testigo nga ako na wala akong kasalanan?"

"may reklamo kasi ung ale sa iyo... Kung gusto mo e magmakaawa ka sa ale para hindi na nya isampa ung kaso..." sabi ni bautista

"sir, wala po akong kasalanan, bakit ako magmamakaawa?"

"makukulong ka talaga..." sabi ni bautista


Pakiramdam ko po e pinagkakaisahan ako ng mga pulis sa loob ng presinto...

Bigla hong may ipinasok na mga kriminal, nahuli daw nila un. Ang lalaki po ng katawan, apat na tao at ang babaho po nila.


Sabi po ni bautista, "isa, dalawa, tatlo, apat, habang minumustra sa daliri nya sabay turo sa akin... Ikaw ang panglima... Magsisiksikan kayo sa loob, kawawa ka jan..."


"sir, wala po akong kasalanan..."

Pinanghinaan na po ako ng loob... At dahil dito, kinausap ko na po ang ale...

Hinihingan nya po ako ng 2500 pesos, ang sabi ko, "mrs, alam naman po ninyo na wala akong kasalanan. Eto po ang 1000pesos"

"hindi pwede, kailangan e kahit 2000pesos , ang yabang mo kanina sa sm di ba? Ang dami dami mo ngang pera sa loob ng sinturon e akina ang 2libo"

"mrs, 1500 lang po ang kaya ko, pampabinyag ko po ung pera ko na nandito, at uuwi pa po ako ng marinduque ngayong gabi..."

Kinausap ng ale ung pulis na kasama nya, "ano, binibigyan nya ako ng 1500pesos, ok na ba un? " sabi ng ale.

"oo, ok na un" sabi ng pulis na kasama nya.

"ano, ok na  ho ba mrs? " sabi ni bautista

"opo sir, ok na po..."

"o, sige iblotter na natin ang kaso"

Nakasulat po doon na ako ay naging suspect at ang nagrereklamo e hindi na interesado na magsampa ng kaso..

Pinapirma po nya ako pati na rin ang ale na nagpakilalang "zenaida gonzales"
57 years old at empleyado daw ng decs. Nagpakilala pa po siyang taga marinduque din, sa barangay magapua mogpog, marinduque"


Pagkatpos ko pong pumirma, lumabas kami ng pamilya ko more or less 7:00pm.
Ang sabi po nung ale, sasabay kami sa inyo...
Kinabahan po ako, bakit siya sasabay sa amin sa pag-uwi? Ano pa ba ang gusto nya?

Habang kinakausap ng ale ung pulis sa loob, e naglakad na kami palabas ng presinto. Sinabi ko sa security guard at 2 clerk na pakihatid nyo naman kami sa paradahan ng bus papuntang cavite... Ayaw kong mag taxi, ayaw kong mag fx, ang sabi kasi ng ale e sasabay daw sila sa amin... Kinakabahan ako...
Sabi ko sa kanila.... Please naman, ihatid nyo kami sa terminal ng bus...


Nilakad po namin from cityhall to lawton terminal ng bus pero walang biyaheng cavite (puro dasmarinas, batangas, etc.) Lakad ulit kami  to quiapo, malapit po sa basketball court, then hanggang marating namin ang lawton sa may sss building...

Ng may dumating na bus, nakahinga kami ng maluwag at nagpasalamt kami sa security guard at clerks sabay sabing "pakisabi sa manager nyo kung ano man ang nangyari... Ung totoong nangyari..." maraming salamat sa inyo... Habang tinitingnan ko ang bisikleta ng baby ko...

Kinakabahan pa rin po kami habang nsa loob ng bus, pero ang inisip ko na lang po e kahit anong mangyari dito sa loob ng bus e madaming taong makakakita... Madaming tetestigo...

Kaya, mga kababayan, kaibigan, mag-ingat po kayo sa sm manila ... Kung maipararating nyo po sa management ng sm manila ang email ko, maraming salamat po. Kung maipararating nyo po ke tulfo, itong email ko, maraming salamat po.

Ganyan pala sa manila, may tumitistigo na nga wala kang kasalanan... Pero...
Ganon pa rin ang ginawa ng mga pulis na taga city hall ng manila...

"bautista" yan lang ang nakauniform na pulis noong nov. 13, 2005 sa city hall ng manila...

Paano kung walang tumestigo? Siguro, lalo akong kawawa...

Iparating nyo po ito sa mga kaibigan nyo upang makapag-ingat...

Maraming salamat po,
Lorimer l. Imperio
Marinduque state college
Instructor i

    

46 comments:

  1. Anonymous2:45 PM

    san police station un ulit sir, i think kung sakin mangyari un cla makukulong, the best thing u do in confrontation like this is (u have a cell phone diba) call someone, act like ur talking to a media man, give hime the details (names of persons, police with u), ask him to come. medyo sindakin mo din mga un, kahit ba pulis ka they cant jail you for no apparent reason. sa mga ganyan dapat mas matigas ka, kunin mo pangalan ng police, badge number nya... etc. lista mo sa papel. pero be humble most of all, wag gamitin init ng ulo, matatakot pa sa iyo yan. i hope this helps.

    ReplyDelete
  2. its says sa Police Station ng City Hall ng Manila...

    grabe nga eh... taga Marinduque (instructor don) ang nabiktima

    ReplyDelete
  3. Anonymous2:59 PM

    tulungan kitang ikalat itong mensahe mo, hanggang sa makarating sa kinauukulan .

    ReplyDelete
  4. Anonymous3:22 PM

    kabayan grabe naman alam mo modusoperandi lang yan planted kung baga eto no. ng bitag 9382919;9325310 at 09189346417 grabe dapat jan sa mga put**ina mga yan ay makulong o kaya e patayin na lang ang hirap ng buhay ngayon tayo pinapaghirapan natin kinikita natin tapos kukunin lang nila hayaan mo kabayan pagdadasal ko na sana mapatay na ang mga damuhong yan pati lahat ng kadugo nila para wag na kumalat ang kasamaan nila, ngapala san ka sa marinduque? taga boac ako. may pinsan ako jan sa MSU, Magturo ang last name, liit ng mundo no? sige kabayan ingat na lang palagi, kamusta mo na lang ako jan sa pamilya mo ingat lang palagi

    ReplyDelete
  5. im not related to the said victim, and this email came from an email list member who has a cousin that is related to the victim...

    ReplyDelete
  6. Anonymous3:53 PM

    oks pasensya na kala ko ikaw yung kababayan ko well anyway sana makatulong

    ReplyDelete
  7. Anonymous6:57 PM

    next time magiingat na dapat lahat ng tao sa bagong gimik ng mga manloloko..ang kukupal talaga ng mga tulad nila..
    yung karma anjan naman lagi kaya si Lord na bahala sa knila..
    ikalat natin msg mo para matawag ang pansin ng SM manila na di dapat kau iniwan from the start..maliban sana sa mga witnesses ay may sinama pang representative..ganyan pla ang SM manila,they dont care sa mga clients nila..
    ingat po lagi these days...marami na talagang manloloko sa mundo..

    ReplyDelete
  8. ang tindi naman niyan!!!!!!!!! sana nde ka pumayag.. or sana nirecord mo ang buong conversation.. nde tama to!!!!!!!!!! any way.. Godbless you and may God deal with the people concerned, be it so severely that they would regrett it.. Godbless!!!

    ReplyDelete
  9. Anonymous11:24 AM

    Ano na ba talaga nangyayari sa pilipinas lahat na lang ginagawa para makapangluko ng mga tao, especially nyong may mga katungkulan or powers hindi lahat pero karamihan sa kanila ganun, kaya ang payo ko to everyone kung mangyari sa inyo nyan wag kayong matakot ipaglaban nyo ang totoo, kung alam nyo sa sarili nyo nawala kayong ginagawa hindi maganda or wala kayong kasalan, kaya rin nasasanay nyan mga ganyan eh maramin silang naluluko eh kung walang magpapaluko hindi mangyayari nyan, kahit mga pulis pa sila no. At sa lahat ng mga nanluluko at kapwa mahihirap ang niluluko at binibiktima beware hindi kayo magiging maligaya sa pinaggagawa nyo at end kayo rin makakaranas ng hindi maganda. Think about it ok.

    ReplyDelete
  10. Ganyan talaga ang may mga powers or katungkulan dito sa pinas, pero hindi ko nilalahat ha pero karamihan sa kanila ganyan, ang payo ko na lang to all kung alam nyo sa sarili nyo na wala kayong kasalanan, oh na gawang pagkakamali ipaglaban nyo ang karapatan nyo wag kayong matakot, kaya sila ganyan dahil ang binibiktima nila eh nyong alam nilang mabibiktima nila kung kaya nyong lumaban labanan nyo wag kayong magpatakot kaya namimihasa nyan mga nyan. And to all person na nanluluko beware hindi kayo magiging masaya sa pinaggagawa nyo, at end kayo rin ang makakaranas ng hindi maganda no. Mamamatay rin kayo for sure???

    ReplyDelete
  11. Anonymous2:38 PM

    Alam mo if ako un, I'll call 117 thru my cellphone while im talking to them. So atleast naka-timbre ka na agad sa 117 which is recorded. Im sure they will send other police to protect you there. Sayang ang money!

    ReplyDelete
  12. Anonymous6:54 PM

    Modus operandi yan ng mga kawatan. Sana naki pag matigasan ka at nilabanan mo ng demandahan. May testigo ka. Bluff lang nila yon na makukulong ka at ikaw ang pang lima sa ikukulong. Medyo naunahan ka ng sindak. Ngayon nagkaroon ka pa ng file blotter sa police station na napagbintangan na mandurukot ka. Hindi man kaso yon, pera meron ka ng police file duon. Mga kawatan, gagawa at gagawa ng paraan para maka pang lamang at pang loko ng kapwa tao. Anyway, I will send this email to my family and friends. Sorry sa nangyari sa inyo.

    MCP.com
    Riyadh,Saudi Arabia

    ReplyDelete
  13. Anonymous6:54 PM

    kababayan malamang sindikato ung ale na sinabing dinukutan mo.. hayaan mo makakarma din yan. kung hindi man mabigayan ng justice ung nagawa sa iyo ipag pa sa diyos m na lng. sya na ang bahala sa kanya. kikitain m rin ung perang nawala sau mas doble pa kababayan. talagang mahirap ang buhay kaya dapat mag ingat tau.. lalo na mag papasko maraming masasamang tao ngaun khit ano ginagawa nila mag karoon lng ng pera. hayyyyyyyyyy!! nakakalungkot isipin na ang pilipinas ngaun ay lalong naghihirap.kya dapat taung mag ingat sa mga taong gumagawa ng masama. kabababayan huwag kang mag alala.. ung kaluluwa ng taong nanloko sau nasa impiyerno na ang kaluluwa. bsta importante wlang ngyaring masama sa inyo ng pamilya mo. yun lng ma sheshare ko kababayan.

    ReplyDelete
  14. Anonymous7:47 PM

    hi...
    nabasa ko ung incident na nangyari sa inyong pamilya sana hindi ka pumayag sa gusto nilang mangyari makakapal talaga mukha ng mga pulis dyan...nakuha ko na ang email mo the best thing i can do for ur family is to report this incident gawa ng marami akong kilalang imbestigador na nagwowork sa isang secret agency..we could post this on NEWS PAPER dahil if this not stop pwede pa nilang gawin sa iba yan...lalo na ung matandang ungas na walang pinagkatandaan pede nating mahuli pa...ingats and god bless

    ReplyDelete
  15. Anonymous10:50 PM

    grabe namang scam yan... halatang scam... kc nung nagtanung ung ale sa pulis nyang kasama... some people are plain crooks and scammers just to earn... maling mali tlga toh...

    kaya next time, ingatz nlng guys

    ReplyDelete
  16. Anonymous3:11 AM

    Sorry. Masyadong garapal ang pangyayari. Ok na nga eh, naluto pa! Nakuha po ba ninyo lahat ng pangalan ng mga pulis, sales clerk, kahera, manager ng SM?
    Sobra po itong pangyayaring ito.

    ReplyDelete
  17. Bro> ingat talaga ang kailangan ngayon sa mga public places. May mga alagad talaga ng batas na alagad din ni satanas. Yang vicinity ng City Hall sa Manila ay pugad talaga ng unipormadong magnanakaw. Traumatic experienced yan sa mag-asawa. Hindi nag-iisa ang Bautista tulisan na iyan, asahan mo ganyan din ang kustumbre ng hepe nya.

    Anyway, May the Good Lord Bless and keep you safe!

    ReplyDelete
  18. sad sad sad state talaga....I'll help spread the word

    ReplyDelete
  19. Anonymous8:39 PM

    kabayan, taga sta.cruz, marinduque ako.
    payong kaibigan lang. sa susunod na luluwas ka dito sa manila at kasama mo pamilya mo dapat hindi ka agad agad kakabahan. marami kasing ginawa na mali. unang una. karamihan sa mga tao sa atin sa marinduque, mapagkakatiwalaan at walang halong intensiyon na lamangan ka.
    isa sa mali na ginawa mo.
    ang paglalabas lahat ng pera mo. hwag na hwag kang maglalabas ng pera kung ayaw mong pagkainterasan yan. hindi mo kailangan magpakita ng kahit na singkong duling dun sa matandang ale. sya dapat ang magpakita ng ebidensya na pera nga nya ang nawawala. ngayon alam ko na kung saan mo tinatago pera mo. pwede na kitang maholdap pag luwas mo ulit dito.

    pangalawa, dapat sa SM ka lang dapat magfile ng reklamo, dun kase nangyari ang krimen, kinuha mo dapat ang pangalan ng ale, hingan mo sya ng ID. o kung wala syang ID, kunin mo sya ng litrato. mura lang ang disposable camera. wala pang 500. ewan ko na lang kung papayag yan kung may nawalan talaga sa kanya.

    pangatlo,
    nung nasa may presinto na kayo. ang paglabas mo at pag usap mo dun sa kasama nung ale. patay ka na agad dun sa bitag nila.

    marami pa sana akong sasabihin na mali mo. hahayaan ko na lang ang iba na pumuna. may gagawin pa kse ako. ang maipapayo ko lang sa susunod na pagpunta mo dito sa manila.

    1. hwag kang kakabahan. kung wala kang kasalanan, hindi ka dapat matakot o umiyak. hwag mong idahilan ng kasama mo pamilya mo at natatakot ka sa kapakanan nila. matakot ka lalo kung paghinaan ka ng loob kung kelan kailangan ka nila na maging matatag.

    2. hwag kang maglalabas ng pera para lang ipakita na sa yon. alam mo naman na syo yun eh. hindi mo na kailangan pang patunayan sa iba yun.

    3. kung may magdemanda syo, idemanda mo ren. sa korte na lang kayo magkita, ewan ko na lang kung itutuloy nya pa yun.

    ReplyDelete
  20. Anonymous12:23 PM

    tutulong ako na ipakalat ang email mo... Mag-ingat sana ang lahat

    ReplyDelete
  21. for all i know, di ba entitled yung victim na tumawag ng lawyer nya? siguro, may magagawa pa sya like talk to media or other authorities kasi harassment na ang ginawa sa kanya nung pulis. may pangalan naman syang nakuha dun sa mga pulis at naka-blotter. nakakapag-init ng ulo. sobra na talaga ang mga panloloko ng mga tao. kapal ng mga mukha ng mga lintak! bakit buhay pa sila gang ngayon. haaayyyy buhey!!!!

    ReplyDelete
  22. yeah sana yon nga ang naisip nya during that time, kaso hindi sya taga maynila at siguro kinabahan din siguro sya dahil kasama nya family nya...
    hayy..... very disappointing talaga ang mga pulis na tulad nila.....

    ReplyDelete
  23. Anonymous12:47 AM

    Bro...charge to XP na yan nangyari sayo. Tama sabi nila. Wag ka kabahan. Always be smart the way u look and act. Ako man din ay aminadong matatawag na "promdi" pero it is not bad to pretend na may alam ka pagdating dyaan sa manila. naandyaan na halos lahat ng raket. Always ask God's wisdom and divine protection saan ka man pupunta bro...GOD bless

    ReplyDelete
  24. Anonymous9:51 AM

    sir, walang kahihinatnang maganda ang mga taong gumawa sayo nun. just think of it as a blessing in disguise. at least nakauwi parin kayo ng family mo ng ligtas. God has a way. im sure you will earn more than 10x of the money you've lost. thanks for sharing your experience. we at Letran-Calamba are trully sorry for what happened to you. may God always bless you and your family.

    -Bryan Abarca

    ReplyDelete
  25. Grrrrr... nakakagalit naman yang mga taong yan. Kinuhanan ka na ng pera, humiliated ka pa.

    ReplyDelete
  26. Anonymous9:52 AM

    talgang sobra ang nangyaring yan sa'yo, talgang kahit saan madami ang mga walng magawa sa buhay kundi manloko at manlamang ng kapwa... kakatakot pala jan sa SM Manila... palagi pa mandin jan nagsshopping family ng brother ko... sana mahuli ang mga gumawa nyan sila sau... at makaranas ng matinding karma!

    ReplyDelete
  27. Anonymous10:36 AM

    pre I passed your stories to imbestigador just this morning..put.. inang mga yan,dapat turuan ng leksyon! just stay calm pag sa mga ganyang incident and be smart..wg ka palalamang,tao rin yang mga yan..maskarang demonyo nga lang.

    ReplyDelete
  28. Anonymous5:22 PM

    taga manila ako at madalas dyan kami namimili ng mga panregalo kasama ang mga kaibigan ko at guro. Ipapadala ko ang email mo sa kanila bilang maging babala sa kanila na mag-ingat sa ganitong pangyayari..Bautista kamo ang nakalagay sa name plate ng Pulis, kapag nakita ko yung bautista na un isusumbong ko sa guro ko para maturuan ng tamang imbestegasyon.

    Salamat sa Babala..

    ReplyDelete
  29. Anonymous7:07 PM

    Dapat po hindi kayo umiyak, pakita nyu po na matatag kyu kc totoo yung cnasabi nyu...
    ako po, lumalaban ako sa pulis pag alam kong tama ako... sinubukan na rin akong lokohin ng ganyan dati pero hindi ako nagpaapekto.. ndi naman eksakto sa situasyon mo pero similar... sinabi ko lng "eh d magdemandahan tyo kung magdemandahan"... kc totoo lng po, mas gugustuhin ko maubos pera ko kaysa manalo sila... ma pride nga kc ako. pero swerte ko lang kasi may kaya po talga ako para mag hire ng lawyer anytime kahit ung nasa senate po...ndi nila ako natakot kasi mas mahalaga sakin ang reputation ko kaysa sa pera... kaya nung tinakot nila ako na dedemandahan ako, hinamon ko sila..& take note po, 8thousand lang po ang pinaguusapan namin dito. pang pa facial ko sana sa derma kasi yun sa greenhills ito nangyari. pero willing ako mag bayad ng 200thousand para sa lawyer, para lang ma suspend ung mga pulis. mga buwaya kc yang mga yan. sugapa sa pera. ndi kc nila pinagaaralan ang situation tinitignan lng nila kung sinu yung mukhang mapera at yun ang kakapitan nila. Malas nila na barya lng yun sakin... tinawagan ko agad yung dad ko at syempre lawyer ko agad pinapunta... oh diba.

    ReplyDelete
  30. Anonymous4:28 AM

    na high blood naman ako dito! garapalan na talaga! kaya wala akong tiwala sa mga pulis... paimbestigahan yan!

    ReplyDelete
  31. Anonymous8:07 PM

    nanginig ang laman ko sa galit!!!..hindi natin masisi ang biktima kung umiyak siya dahil rin siguro sa takot kaya naiyak ito...sana lang ay hindi siya nagbigay ng kahit isang kusing sa lecheng ale na yun...
    modus yan ng mga taong manloloko..pagtutulungan ka nila, tatakutin hanggang sa wala ka nang magawang iba kundi magpatalo na lang..yung mga ganyang pulis dapat sinusunog ng buhay!!dinadala sa gera!!!...walang magagawang matino para sa mga taong dapat ay tinutulungan nila...'TO SERVE AND TO PROTECT' ang motto ng mga pulis dapat gawin nila ang nararapat..kaya maraming tao ang nawawalan ng tiwala sa mga pulis kapag ganyan ang nangyayari...
    salamat sa paalalang ito at sa lahat dapat ay lagi tayong alerto sa mga ganitong modus..

    ReplyDelete
  32. Anonymous3:03 AM

    bro, bad trip yung ngyari sau. ung anak ng friend ng mom ko ganyan din ang gnawa sa kanya, highschool lng kc yung bata tpos sabing ganun nung old lady knuha daw nya yung pera nya tulad ng gnawa sau. sa glorietta naman nangyari yung insidente. ingat na lang next time and mas malaki pa yung kapalit nyan bro.

    ReplyDelete
  33. Anonymous6:25 PM

    I hope the moderator can forgive me with my manner today. Potang inang mga pulis yan!!! kaya nga pag nasa Manila City ka, hindi mo alam kung ang pulis na nakikita mo eh pulis nga or criminal. Sana naman maka abot kay Mayor Atienza tong reklamo na to, buti nalang widely used ang internet ngayon at malaki ang chances na makarating to sa mga taong makaka tulong. Sana kasama sa programang "Buhayin Ang Maynila" ang pag momoderate ng mga buhayang potang inang mga pulis. Potang ina nyo talaga! mamatay na kayo! tandaan nyo... totoo ang impyerno! Tang ina, shet talaga! Hindi ko maisip bakit yung mga taong wala nang mapasukang trabaho eh nagpupulis nalang, kaya walang moral sa mg pulis eh, ewan ko lang yung mga kakaunting natitirang matino kung andyan pa. I hope this "Bautista" can be investigated asap.

    ReplyDelete
  34. lurker8:48 PM

    No one can make you feel inferior
    without your consent


    - kung hindi sha nagpagago sa pulis at pinanindigan nya na wala shang kasalanan. hindi nya mararamdaman na parang naisahan sha. ganun talaga. pinoy e. kung saan makakadali. kahit niloloko ka na. matapos lang ang issue.

    ReplyDelete
  35. matagal na akong wala sa Pilipinas, and this one takes the cake and eat, it too. Sobra naman ang ginawa sa iyo nung Babaeng iyon, dahil meron siyang pamangking pulis, yung mga Pulis sa Manila City Hall precint ang ginawa nila kinampinhan yung babaeng merong pamangking pulis, that doesn't speak well of the Police at the Manila City precint. Dapat sinabi mo sigi kasuhan na lang ninyo ako, and Why will you part with your hard earn money. Alam ko you can be release under your own recognizance if you can established your link with the community, or the inquest Fiscal can order your relase until further investigation..

    ReplyDelete
  36. Anonymous4:50 AM

    bro,isumbong mo sa mga TULFO! gnyan mga kaso ang pinapatulan nun...

    ReplyDelete
  37. Anonymous11:41 AM

    KARMA,! KARMA,! KARMA,! KARMA, ! s mga taong mapagsamantala s kahinaan ng kanilang kapwa lalong lalo n dun s mga dpat n nagbibigay ng proteksyon s mga inaapi. Sana maisipan nilang tumingin s itaas na may nkakakita s katarantaduhang ginagawa nila....syo kabayan ipanatag mo n lang ang iyong kalooban dahil higit p s nawala syo ang babalik din syo..."GOD BLESS!!" n lang s pamilya mo ===>>>Boac, Marinduque

    ReplyDelete
  38. Anonymous4:46 PM

    Sir. Ako matagal ko na tinatak sa utak ko na Pulis ang totoong kalaban eh. Kung maaari, ako, hindi ako kakausap ng Pulis. Bastos na. Mayabang. Papakitaan ka pa ng baril. Sa huli, peperahan ka din lang. Ako takot ako sa pulis. Mas takot ako sa pulis kesa sa mukhang kriminal. Pag nakakakita ako ng pulis, natatakot ako...parang pakiramdam ko eh nanakawan nila ako.

    ReplyDelete
  39. Anonymous1:27 AM

    Hello. I'm the Executive Director of PLEB Manila under the office of Mayor Atienza. Our over-all chairperson is Ms. Teresita Ang See. I read your email and I was wondering if you are willing to file a complaint against Officer Bautista. You dont need a lawyer but it will entail some time and effort on you part to appear during the hearing in Manila City Hall. All we need is your affidavit and the affidavits of your witnesses which needs to be identified in court. If your story is true, Officer Bautista should be terminated from service and the PLEB has the power to do that. If you are interested, you can go to www.plebmanila.4t.com. Our contact numbers are there. If you live far from Manila, I think we can arrange for a single appearance on your part.

    ReplyDelete
  40. Anonymous3:12 PM

    sir, the besrst thing to do is....ipagpasa DIYOS nyo na lang po ang lahat ng nangyari...

    ReplyDelete
  41. Anonymous12:56 AM

    Sa totoo lang po, ako'y nagagalak pag may pulis na itinutumba. Wala na talaga akong respeto sa kanila at alam nating ang ganitong asta nila ay pangkaraniwan na lamang. 'Tang-ina nila at ang kaapu-apohan nila!

    ReplyDelete
  42. Anonymous10:26 AM

    Sir,hayaan nyo po ipaparating ko po ito sa uncle kong mataas na PNP officer sa MANILA..kakalipat lang po nya ng destino sa Manila kaya maaring di pa nya alam ito..

    Magiingat po kayo palagi..

    God bless you and ur family..

    ReplyDelete
  43. Anonymous5:09 PM

    sir,di mo sana kinausap ung ale... pero nangyari na. next time sir ingat na lang. sayang ang manila akala ko ba ulirang lungsod, mayor atienza idol pa naman kita paki check namn mga pulis nyo...

    ReplyDelete
  44. Anonymous10:50 AM

    sir, nalungkot ako sa nangyari. bakit kaya may mga taong nagagawang manloko? pano kaya nila nasisikmura na lokohin ang kapwa nila at gastusin ang pera na hindi nila pinaghihirapan? dala nga siguro ng kahirapan pero di dapat ganun. matuto silang magpahalaga sa kapwa nila. pabayan na natin sila di natin alam ang takbo ng isip nila at kung anong pagkatao meron sila. bahala na ang Diyos sa kanila. Sabi nga, "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa". at ang karma malapit sa kanila yan, di man siguro ngayon pero darating ang tamang panahon at makakarma din sila sa mga pinaggagagawa nila. nalungkot talaga ako sa kwento mo. mag-iingat ka na lang palagi pati ang asawa't anak mo. God bless you...

    ReplyDelete
  45. Anonymous8:19 PM

    calling the attention of SPARROW UNIT!!! target>>officer baustista>>confirm....

    ReplyDelete
  46. Anonymous11:18 AM

    DONT TRUST THE SYSTEM! FOR CRYING OUT LOUD -YOUR IN THE PHILIPPINES!!!

    WALA NANG PAG-ASA ANG SISTEMA NATIN HANGGAT HINDI NAPAPALITAN ANG LAHAT (AS-IN-LAHAT) NG MGA TARANTADONG MGA PULITIKO SA BANSA!!!

    ReplyDelete